-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa isang kolektor sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Aaron Virtucio Vistar,35 anyos,may asawa, small town lottery collector at residente ng Lebak Sultan Kudarat.

Ayon kay Sultan Kudarat Police Provincial Director Colonel Tom Tuzon na habang nangongolekta ng taya sa isang outlet ng small town lottery ang biktima at sakay ng kanyang motorsiklo na nakahimpil sa gilid ng kalsada sa Barangay Dumangas Nuevo Kalamansig Sultan Kudarat.

Bigla na lamang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril ang biktima gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Lebak Sultan Kudarat.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng apat na tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kalamansig PNP sa pamamaril patay sa biktima.