-- Advertisements --

Sumunod na rin ang Slovakia sa Poland na magpapadala ng fighter jets sa Ukraine.

Inanunsiyo ni Slovakian Prime Minister Eduard Heger na magbibigay sila ng 11 MIG-29 fighter jets.

Bukod pa dito ay magsusuplay din sila ng KUB air-defense system.

Ang nasabing hakbang aniya ay mahigpit na pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kaalyadong bansa.

Magugunitang inihayag ng Poland at Slovakia ang kanilang buong Ukraine mula ng lusubin sila ng Russia noong Pebrero 24, 2022.

Una rin nanawagan ang Ukraine government sa mga bansa na kung maari ay magpadala sila ng mga fighter jets para tuluyang talunin ang Russia.