Simula May 31 hanggang June 15 ay pansamantalang isasara ang southbound entry ng ng Alabang Toll Plaza ng Skyway.

Ayon sa San Miguel Corporation, na siyang may hawak ng Skyway operations, ito ay para bigyang daan ang pagbabalik konstruksyon ng P10-bilyon extension project.

Dahil dito, pinayuhan ang mga motorista na dumaan sa Filinvest entry o hindi kaya’y sa entry ng National road papuntang Susana Heights.

Ang mga malalaking sasakyan naman tulad ng bus at truck ay pinadaaan sa entry ng National road papuntang Susana Heights.

“We are happy to report that despite the long delay due to the ECQ and the limited workforce deployed, we’ve been gaining a lot of ground in terms of construction these past two weeks,” ani SMC president Ramon Ang.

Magsisimula raw ang pagsasara ng southbound entry sa alas-6:00 nang umaga ng May 31.