-- Advertisements --

Naibenta sa isang auction sa Switzerland sa halagang $6.2 milyon ang skeleton ng 67-anyos na Tyrannosaurus rex.

Nabili ng isang pribadong indibidwal ang skeleton na mayroong 11.6 meters ang haba at 3.8 meters ang taas.

Pinangalanan itong “293 Trinity” dahil ito ay binuo mula sa tatlong magkakaibang T. rexes sa US dinosaur sites sa Montana at Wyoming.

Gawa ito sa 293 na magkakahiwalay na buto na nadiskubre mula 2008 at 2013.
Itinuturing ni Dr Hans-Jacob Siber ng The Aathal Dinosaur Museum sa Switzerland na ang Trinity bilang “special beast”.

Sa bilang na 20 o 30 ng mga T.rex skeletons sa mundo ay maituturing na ito na ang malaki at may magandang klase.