-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagpositibo sa isinagawang surprised drug test ang SK Federation President sa Tagum City na si Ethan John Monilla.

Ito ang kinumpirma ni Tagum Mayor Rey Uy matapos ang isinagawang drug test sa City Hall sa lahat ng mga empleyado at mga opisyal kasabay ng 5th regular session ng Sangguniang Panlungsod ng Tagum City.

Dahil dito, iminungkahi na ipa-rehab ang nasabing SK president at pinayuhang umalis na lamang sa panunungkulan.