CEBU – Arestado ang isang SK Chairwoman matapos makunan ng libu-libong halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng Talisay Police Station sa Lawaan III Talisay City.

Kinilala ang nasabing SK Chairwoman na si Guendolyn Tavera Luague na naging subject ng operation matapos ang isinagawang search warrant ng Talisay Police sa ama nito na si Francisco Luague, 59 (LIMAMPUT SIYAM) taong gulang at dating hepe ng barangay tanod sa Lawaan III.

-- Advertisement --

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major Gerard Ace Pelare, hepe ng Talisay Police Station, sinabi nitong ikinonsidera nilang high value target ang mga nabanggit na suspek dahil sa lawak ng kaugnayan nito sa illegal drug trade.

Ayon kay Police Major Pelare na naging right-hand diumano ang dating barangay tanod sa napaslang na itinurong bigtime drug lord na si Steve Go.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, binigyang-diin ng police official na nagpapatuloy ang kanilang intensified illegal drug operations sa posibleng nalalabing mga lugar na may kalakalan ng iligal na droga.

Maalala na muling binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte nang bumisita ito sa Cebu noong Sinulog Festival, na nananatiling namumutiktik ang iligal na droga sa lungsod ng Talisay.