-- Advertisements --

Winakasan na rin ng Philadelphia 76ers ang pamamayagpag ng Los Angeles Lakers matapos masilat ng isang puntos, 107-106.

Dahil dito natuldukan na ng Sixers ang 13 sunod-sunod na panalo ng NBA defending champion.

Naging bayani sa panalo ng Sixers si Joe Harris nang swerteng maipasok ang tira kahit nay tatlong segundo na lamang ang nalalabi sa game.

Ang top scorer ng Sixers ay ang sentro na si Joel Embiid na may kabuuang 28 points kung saan nakagirian pa si LeBron James nang patawan ng flagrant foul ang NBA superstar.

Sa kampo ng Lakers nasayang ang 34 points ni LeBron at 24 points naman ni Anthony Davis.

Bago naman ang game nagbigay tribute muna ang mga players sa pamamagitan ng video at alay panalangin sa dating Lakers legend na si Kobe Bryant dahil sa one year death anniversary.