-- Advertisements --
Simmons and Embiid
Simmons and Embiid

Hindi pa rin makakapaglaro sina Ben Simmons at Joel Embiid ng Philadelphia 76ers sa muling pagsisimula ng mga laro ilang matapos All-Star Games.

Ayon sa Sixers hindi kasama ang dalawa sa line up sa pagharap nila sa Chicago Bulls sa Biyernes habang hindi naman makakasama si Embiid sa laban nila ng Washington Wizards.

Nauna ng hindi pinaglaro ang dalawa sa All-Star Game matapos na mayroon silang nakasalamuha na staff nila na positibo sa COVID-19.

Kahit aniya na negatibo sila sa isinagawang swab test ay minabuti nila na magpa-quarantine ng ilang araw.