Binawi ng Sixers organization ang una nitong plano na patawan ng 20% na salary cut ang mga staff sa gitna na rin ng global crisis sa coronavirus pandemic.

Nag-sorry si Harris Blitzer Sports & Entertainment founder Josh Harris matapos umani ng batikos.

Nilinaw niya na hindi na babawasan ng 20% ang mga sweldo at sa halip full time pa rin ang matatanggap na salary.

Sa naunang statement ni Scott O’Neil, ang CEO ng HBSE, balak sana nilang ipatupad ang temporary pay cuts sa dalawa nilang teams ang Sixers sa NBA at ang New Jersey Devils.

“To our staff and fans, I apologize for getting this wrong,” ani Harris.