-- Advertisements --

alakdan3

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kontrolado na sa ngayon ang sitwasyon sa ilang lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim MIndanao (BARMM) kung saan ilan sa mga bayan ang may naitalang mga kaguluhan sa araw ng halalan nuong Lunes, May 9,2022.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala, maayos na ang sitwasyon ngayon sa Maguindanao, Lanao del Sur at Basilan.

Sa ngayon kanilang tinututukan ang 12 barangays sa Tubaran, Lanao del Sur na isa sa mga lugar na idiniklarang under Comelec control.

Sa ngayon, kapwa naghihintay ang AFP at PNP sa desisyon ng Comelec para sa gagawing Special elections.

Samantala, naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang matibay at magandang ugnayan ng iba’t-ibang law enforcement agencies tulad ng AFP, PNP at Coast Guard ang naging susi upang matagumpay ang halalan.

Pinapurihan din ni ang mga guro na kaagad na ipinaalam sa mga awtoridad ang anumang uri ng aktibidad na maaaring maging banta sa seguridad.

Bagaman natapos na ang halalan, sa mayoryang mga lugar sa bansa, sinabi ni Zagala na patuloy pa ring magbabantay ang AFP sa pakikipag-ugnayan sa mga commander sa field.

Tinatayang nasa 70,000 sundalo mula sa Phil. Air Force, Navy at Army ang nakakalat pa rin sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang tumulong sa mapayapang halalan lalo na ang bilangan hanggang sa proklamasyon ng mga nanalong kandidato.