-- Advertisements --
ILOILO CITY – Hindi titigil ang Senado hanggang sa hindi mabibigyan linaw kung bakut mabagal ang rollout ng bakuna sa Pilipinas.
Pagtitiyak ito ni Senate President Vicente Sotto III kasabay ng kanyang pagbisita sa Iloilo kahapon kasama si Sen. Panfilo Lacson.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Sotto, sinabi nito nakatanggap ng intelligence report si Lacson na noong Hunyo pa nang inuna ng mga pharmaceutical companies na bigyan ng vaccine ang Pilipinas.
Ngunit sa halip na ipamigay ito kaagad, marami pa anyang mga delays na nangyari, bagay na kanilang sisilipin aniya sa Senado.