-- Advertisements --

VIGAN CITY – Sa kabila ng mga tensyon sa Gitnang Silangan, nananatiling normal ang sitwasyon ng mga Pinoy workers sa Qatar.

Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo ng International correspondent na si John Delson Molina na tubong Ilocos Sur at nagta-trabaho bilang psychiatric nurse sa naturang bansa.

Ayon kay Molina hindi naman apektado ang Qatar sa nakaambang giyera.

Pero nag-abiso na rin daw ang Embahada ng Pilipinas sakaling lumala ang sitwasyon at kailanganin nila ng tulong.

Umaasa si Molina na manatili ang kapayapaan sa Qatar at sa buong Arab gulf dahil sa takot na mawalan ng trabaho ang lahat ng Pilipinong manggagawa sa rehiyon.