CAGAYAN DE ORO CITY -Buhos na ang mga impormasyon na umano’y natanggap ng Special Investigation Task Group (SITG) Johnny Walker simula nang inilabas ang pagmumukha ng isa sa mga armadong suspek pagbaril-patay sa radio broadcaster Juan Jumalon sa bayan ng Calamba,Misamis Occidental.
Kaugnay ito sa ginawang malaliman na imbestigasyon ng pulisya kasama ang National Bureau of Investigation (NBI) upang hubaran ng maskara ang utak pagpaslang kay DJ Johnny Walker na harap-harapang binaril habang naka-online program ng kanyang sariling FM station noong madaling araw ng Linggo.
Ginawa ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Major Joann Navarro ang pahayag kasunod rin nang pagtitiyak ng kanilang regional director na si Police Brigadier General Ricardo Layug Jr sa pamilya ni Jumalon na bigyang hustisya ang pangyayari.
Sinabi ni Navarro na bagamat nilimitahan muna nila ang pagpapalabas ng ilang sensitibong impormasyon hanggang sa tuluyang mahuli ang mga personalidad na nasangkot sa kremin.
Magugunitang personal binisita ni Layug ang burol ng biktima at binigyang katiyakan ang maybahay nito na hindi titigil ang mga otoridad hanggang maibigay ang hustisya.
Napag-alaman na land dispute ang nangunguna na ngayong anggulo na tinutukan ng SITG lalo pa’t may kasalukuyang legal cases na isinampa ang mag-asawa sa korte laban sa hindi inilahad sa publiko na mga personalidad.