-- Advertisements --
BSP

Maaari pang palitan ang nasirang 1,000 peso banknotes sa mga commercial banks o sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Kinumpirma ni Bangko Sentral currency policy and integrity department bank officer V, Nenette Malabrigo, na tatanggapin at papalitan ng Bangko Sentral ang sirang halaga ng pera nang may sinusunod na pamantayan.

Ito aniya ay sa pamamagitan ng commercial banks.

Kadalasan kasing nasisira o naplantsa ng di sinasadya ang polymer banknotes.

Bago palitan ang halaga, dadaan muna ito sa mga proseso at pagsusuri mula sa BSP.

Una ng inilabas ng BSP ang mga panuntuan hinggil sa proper handling ng polymer banknotes tulad ng pag-iwas na malukot ito, pag-iwas na mapunit o masira, at ang bawal na pagplantsa ng nasabing klase ng pera.