-- Advertisements --
Maghaharap sa finals ng Wimbledon men’s singles sina Jannik Sinner at Alexander Zverev.
Tinalo ni Sinner si Novak Djokovic sa semifinals sa score na 6-4, 6-4, 6-4 .
Habang ang French Open champion na si Zverev ay tinalo sa British tennis player Arthur Fery sa score na 7-6 (7/0), 6-2, 6-4.
Ito na ang pangalawang finals ng Wimbledon ni Sinner kung saan target nitong makamit ang ikalimang Grand Slam title.
Habang ito ang unang pagkakataon na makakapaglaro sa finals si Zverev at target nitong makamit ang pangalawang major title.
Siyam na beses na tinalo ni Sinner si Zverev sa kanilang paghaharap sa iba’t-ibang torneo kasama na dito ang apat na pagkakataon na tinalo nito ngayong taon.
















