-- Advertisements --
MMDA TICKET

Ilang linggo matapos ipatupad ang single ticketing system sa Metro Manila, plano na ring gayahin ito at maipatupad sa Baguio City, ang tinaguriang Summer Capital of the Philippines.

AYon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, inutusan na nito ang traffic team ng Baguio upang umpisahan ang pagbuo ng polisiya o ordinansa na magpapatupad sa nasabing iskema.

Nakipag-usap na rin umano ang alkalde sa city council upang tumulong sa pagbuo ng ordinansa para sa posibilidad ng pagpapatupad ng single ticketing system sa nasabing syudad.

Maalalang Pebrero ng kasalukuyang taon nang bumuo ang Metro Manila Council ng sistema na siyang magiging daan para ipatupad ang single-ticketing system sa kamaynilaan.

Mayo-1 nang isinagawa ang pilot implementation nito sa Metro Manila, na batay sa report ng konseho, naging maayos naman ang pagpapatupad.