-- Advertisements --
Ilalaan din ng Pateros City government sa mga senior citizens ang natanggap nilang 800 doses ng Johnson & Johnson single dose Janssen COVID-19 vaccine mula sa national government.
Ayon kay Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce III, ipapadala ang mga bakunang ito sa tatlong vaccination sites sa lungsod.
Bukas din aniya sa mga walk-in senior citizens ang single dose COVID-19 vaccine na ito sa kanilang lungsod.
Ang 800 doses na ibinigay sa Pateros ay bahagi lamang ng 3.2 million doses ng Janssen vaccine na natanggap ng Pilipinas mula sa US government sa pamamagitan ng COVAX Facility ng WHO.