Posibleng tumaas ang water rates sa susunod na taon dahil sa impact ng pagsadsad ng halaga ng Philippine peso ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Sa kabila nito ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Lester Ty, na gagawin nila ang kanilang makakaya para malimitahan ang nakaambang pagtaas sa water rates sa susunod na limang taon para hindi mabigla ang mga consumers.
Kabilang sa siniserbisyuhan ng Maynilad ang west zone sakop ang siyudad ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Manila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon, Valenzuela. Gayundin ang mga lugar sa Cavite gaya ng lungsod ng Bacoor, Cavite, at Imus; at sa bayan ng Kawit, Noveleta, at Rosario.
Nito lamang Martes ang halaga ng Philippine peso ay patuloy sa pagsadsad kontra US dollar as nakalipas na 5 trading days na nagsara sa P58.99 kontra $1. Ito na ang ika-11 pagkakataon na nasa all time low ang halaga ng Peso ngayong buwan lamang.