-- Advertisements --

Tumaas ang singil sa kuryente sa unang bahagi ng Christmas season.
Ito ay bunsod ng pagsipa ng average price sa Wholesale Electricity Spot Market noong unang 2 linggo ng Oktubre.
Ayon sa Independent Electricity Market Operator of the PH (Iemop), ang average spot market prices sa Luzon grid ay pumalo sa P7.58 kada kilowatt-hour mula sa P4.87 kada kilowatt-hour noong Setyembre dahil habang papalapit kasi ang Christmas season tumaas din ang pagkonsumo ng 55%.
Sa datos ng grupo, ang average demand sa Luzon sa first half ng Oktubre, tumaas sa 9,638 megawatts mula sa 9,377 MW noong nakalipas na buwan.










