-- Advertisements --

Pumanaw na ang isa sa miyembro ng British pop-group na Girls Aloud na si Sarah Harding sa edad 39.

Kinumpirma ng ina nito matapos ang ilang taon na pakikipaglaban sa breast cancer.

Nakilalal si Sarah noong 2002 sa British talent show na “Popstars: The Rivals” kung saan nabuo ang grupo.

Isa kasi siya sa limang napili na bumuo ng grupo.

Taong 2011 ng ipinasok siya sa rehab dahil sa depression at alcoholic addictions.

Nabuo muli ang grupo noong 2012 kasabay ng kanilang 12th anniversary at muling nabuwag pagkatapos ng isang taon.

Noong 2017 ng magwagi si Sarah sa “Celebrity Big Brother.

Taong 2020 ng ma-diagnosed siya na mayroong breast cancer.

Ilan sa mga patok na kanta ng grupo ay ang “Sound of the Underground” at ibang mga collab songs mula sa sikat na mga music dj.