-- Advertisements --

Kinagat ng paniki ang singer na si Taylor Momsen habang ito ay kumakanta sa Spain.

Kasalukuyang tumutugtog si Momsen kasama ang banda nitong “The Pretty Reckless” ng biglang umatake ang paniki.

Nagbiro na lamang ito na siya ay isang mangkukulam dahil nangyari ang insidente habang kinakanta nila ang isa sa mga sikat na awitin nilang “Witches Burn”.

Inamin nito na hindi niya napansin na mayroong bat na kumagat sa binti nito hanggang ang mga fans nito ang nagsabi at nagturo.

Agad itong nagpaturok ng anti-rabies kung saan pinasalamatan niya ang mga staff ng pagamutan.