Richard Reynoso
-- Advertisements --

Patuloy na nagpapagaling ang singer na si Richard Reynoso matapos dapuan ng COVID-19.

Matapos kasi ang isang linggong pananatili nito sa intensive care unit ng Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City ay nailipat na ito sa pribadong kuwarto.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan habang nakahiga sa hospital bed na napapalibutan ng mga nurses.

Sinabi nito na naging grabe ang sintomas ng nasabing virus kung saan ayon sa kaniyang doctor ay maaaring ikasawi nito kung hindi naagapan.

Pinasalamatan nito ang kaniyang mga fans at mga kaanak dahil sa patuloy na pagdarasal para sa agarang pagpapagaling nito.

-- Advertisement --