-- Advertisements --

Nais hilingin ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa gobyerno na sana ipagpaliban ang pagpapatupad ng executive order (EO) No. 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nagtatakda ng price cap sa bigas.

Sinabi ni SINAG Executive Director Jayson Cainglet, na dapat ay mabigyan ng sapat na panahon ang mga retailers na maubos ang mga stock nilang bigas.

Inamin nito na magkakakroon ng malaking epekto sa mga retailers ang nasabing kautusan ng pangulo.

Magugunitang sa nasabing kautusan ay magiging P41.00 ang presyo ng kada kilo ng regular milled rice habang P45.00 naman ang kada kilo ng well-milled rice.