marcelito pomoy

Hanggang ngayon hindi pa rin magkamayaw ang mga fans at supporters ng Pinoy singer na si Marcelito Pomoy matapos ang nakakabilib na performance sa semi-finals ng “America’s Got Talent: The champions.”

Una rito, muli na namang ginulat ni Pomoy ang Amerika sa kanyang walang kahirap hirap na paiba-iba ng boses ng lalaki at babae.

Lalong namangha ang audience at mga judges nang awitin na ni Marcelito ang version niya ng kantang “Time to Say Goodbye” o “Con Te PartirĂ²” ng sikat na opera singer na si Andrea Bocelli.

Sa loob lamang ng limang oras nang ilabas ang video sa YouTube umabot kaagad sa 1.5 million ang viewers kaya naman naging trending ito sa buong mundo.

Kabilang sa usap-usapan ng mga kababayan wala raw “ka-effort-effort” si Pomoy dahil sana’y ito sa doble-kara style sa Pilipinas.

-- Advertisement --

Maging ang mga bigating judges ng America’s Got Talent na sina Howie Mandel, Simon Cowell, Heidi Klum at Alesha Dixon ay hindi naitago ang todong papuri sa Pinoy talent lalo na at pasok na ito sa grand finals.

Ang host ng show na si Terry Crews ay tuwang-tuwa rin sa ipinakita ni Pomoy.

“There is no denying that you a have a very unique and incredible special talent,” ani Cowell. “So if you make the grand finals I think you got to take a bigger risk because now the surprises now is over. But I do believed with a gift like you, you have a massive career infront of you, I really really do.”