-- Advertisements --
Posible na umanong makabalik sa paglalaro ang kontrobersiyal na NBA star na si Ben Simmons matapos na kumpirmahin nito na gumaling na ang kanyang naranasang back injury.
Ayon sa kanya, posible umanong makabalik siya sa paglalaro sa Game 4 ng Brooklyn Nets laban sa karibal na Boston Celtics.
Sa ngayon namemeligro ang mga kasama ni Simmons na sina Kevin Durant, Kyrie Irving at ang koponan umusad sa next round ng playoffs matapos na mabaon sa dalawang talo at wala pang panalo.
Kumpiyansa naman si Simmons na malaki ang kanyang maitutulong sa kampanya ng team.
Halos isang taon na rin kasi na hindi nakakalaro si Simmons magmula sa pagiging bahagi pa ng Philadelphia 76ers.