-- Advertisements --

Naglunsad ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines partikular na ang humanitarian arm nitong Caritas Philippines ng donation drive para sa mga apektado ng malawakang pagbaha sa Mindanao.

Humihingi ng donasyon ang naturang organisasyon gaya ng food packs, sleeping kits, hygiene kits, kitchen wares, at emergency shelter kits.

Hinikayat nito ang mga tao na tumulong kahit sa maliit na paraan dahil malaki umano ang magiging epekto nito sa mga naapektuhan ng pagbaha. 

Sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, mayroon ng 356,166 na pamilya o 1.19 milyong indibidwal ang naapektuhan ng patuloy na pag-ulan sa Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.