Alvin Barbero
Alvin Barbero/ FB image

CAUAYAN CITY- Ilalaan ni Alvin Barbero, silver medalist sa snooker double competition sa 30th Southeast Asian Games ang matatanggap na cash incentives sa kanyang kapatid na sumasailalim sa dialysis dahil sa sakit sa kidney.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Alvin Barbero ng San Luis, Cauayan City, sinabi niya na dahil nakuha nila ng kanyang partner na si Jeffrey Roda ang silver medal sa kanilang laban kontra Malaysia ay inaasahan na makakatanggap sila ng cash incentives na ipagkakaloob ng pamahalaan sa mga atletang nagwagi ng mga medalya sa SEA Games.

Sa December 18, 2019 ay magtutungo sila sa Malakanyang para tanggapin ang nilang cash incentives.

Samantala ilang oportunindad sa larangan ng snooker ang nagbukas sa kanila matapos na magwagi ng silver medal.

Sinabi pa ni Barbero na , inaayos na ang sasalihan nilang international competition.