-- Advertisements --

Sa kabila ng mga panawagang kanselasyon, napag-desisyunan pa rin ng organizers ng pamosong Sydney New Year’s Eve fireworks show na ituloy ang programa kasabay ng pagsalubong sa bagong taon.

Umabot na sa 260,000 ang pumirma sa petisyon ng grupong Change.org na humihikayat sa organizers ng programa na gamitin na lang ang pondo nito para suportahan ang mga bumbero at magsasakang naapektuhan ng malawakang wildfire kamakailan sa Australia.

Gagastos ng aabot sa 6.5-million Australian dollars o P230-millon ang local government ng Sydney para sa taunang fireworks display.

Nakagawian na itong gawin sa bahagi ng Sydney harbour malapit sa sikat na Sydney Opera House.

Halos lamunin ng smoke haze ang siyudad kamakailan dahil sa bushfires sa mga kagubatan ng Australia.

Nasa walo naman ang nasawi sa estado nitong New South Wales.

“We began preparations and planning for the NYE celebrations 15 months ago. This means most of the budget, largely used for crowd safety and cleaning measures, has already been spent,” ayon sa tagapagsalita ng City of Sydney government.

“Cancelling the event would seriously hurt Sydney businesses. It would also ruin plans for tens of thousands of people from across the country and overseas who have booked flights, hotels and restaurants for New Year’s Eve.”

Nilinaw ng city council na nag-donate sila ng 620,000 Australian dollars para sa mga naapektuhan ng bushfire.