-- Advertisements --

Anim na lugar sa bansa ang kasalukuyang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 dahil sa Tropical Storm Maring, ayon sa Pagasa.

Base sa latest storm bulletin ng Pagasa kaninang alas-5:00 ng hapon, inaasahang makakaranas ng mapinsalang malakas na hangin sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 2 sa susunod na 24 oras.

Samantala, inaasahan namang magiging malakas din ang hangin sa 18 lugar sa susunod na 36 oras.

Hanggang kaninang alas-4:00 ng hapon, namataan ang Bagyong Maring sa layong 645 kilometers east ng Tuguegarao City, Cagayan.

Bahagyang bumagal ang pagkilos ng bagyo at kasalukuyang kumikilos sa direksyon na west northwestward sa bilis na 20 kilometers per hour, na may maximum sustained winds na 85 kph malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 105 kph.

Ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim ng Signal No. 2: Batanes, Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, hilagang bahagi ng Isabela (Santa Maria, Quezon, Cabagan, Delfin Albano, Santo Tomas, Tumauini, Maconacon, San Pablo, Divilacan, Palanan, Ilagan City), Apayao, hilagang bahagi ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Risal, Tabuk City), hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpod, Adams, Dumalneg, Bangui, Vintar, Carasi).

Narito naman ang mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1: nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, nalalabing bahagi g Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, northern at central portion ng Aurora, northern portion ng Nueva Ecija, at Catanduanes.

Signal number 1 din ang nakataas sa Eastern Samar, eastern portion ng Northern Samar, at eastern portion ng Samar.

Nakataas din ang gale warning sa eastern seabords ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas.

Inaasahang aabot ng hanggang 4.5 meters ang taas ng alon dahil sa masamang lagay ng panahaon.