-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami pang mga empleyado ng PhilHealth at Bureau of Immigration ang masisibak sa trabaho sa Disyembre.

Sinabi ni Pangulong Duterte, mayroon pang susunod na round ng sibakan sa Disyembre partikular sa dalawang tanggapan na talamak pa rin ang korupsyon.

Ayon kay Pangulong Duterte, marami pa ang mawawalan ng trabaho, marami ang matatanggal sa gobyerno, marami ang makakasuhan at marami ang makukulong.

Ikinadidismaya ni Pangulong Duterte ang “pastillas scheme” sa Bureau of Immigration (BI) kung saan nagbabayad ng pera ang nga Chinese para ilegal na makapasok sa bansa.

Pinag iinitan din ni Pangulong Duterte ang P15 billion anomalya sa PhilHealth.

“So, mayroon pa. The next round is will be by December. Many will lose their jobs, many will be separated from government, many will face prosecution, and many will go to jail, iyan ang sabihin ko,” ani Pangulong Duterte.

Una rito, isa-isang binasa kagabi ni Pangulong Duterte ang pangalan ng 21 na opisyal na ng PhilHealth na sinuspinde habang 44 naman sa Immigration.