Handa na ang mga shipping containers purpose-built na magiging Coronavirus disease 2019 (COVID-19) isolation health facilities sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex, Pasay City.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark A. Villar ang mga high cube containers na kinonvert na mobile rooms ay puwede ring gamitin bilang alternative living quarters para sa mga medical doctors at staff on duty sa mga ospital maging ang mga medical workers na nasa Philippine International Convention Center (PICC), World Trade Center and Rizal Memorial Coliseum.
Puwede raw ditong matulog ang mga medical workers na malalayo ang bahay na nalalagay sa alanganin ang kalusugan dahil sa exposure sa covid at kaligtasan dahil sa layo ng kanilang biyahe.
Ang 10 piraso ng 20-footer container ay puwedeng lagyan ng apat na silid na fully-airconditioned at mayroong hiwalay na palikuran at proper ventilation.
Sa ngayon, patapos na rin at sumasailalim na sa final refurbishing ang mga container sa pamamagitan ng DPWH National Capital Region na pinamimunuan ni Director Ador Canlas.