Matapos ang mahigit isang taong engagement, officially husband and wife na si Sheena Halili at abogadong si Jeron Manzanero.

Batay sa impormasyon, ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa isang events place sa Quezon City ngayong Linggo ng hapon.

-- Advertisement --

Nagsilbing background song ng 33-year-old actress habang naglalakad sa aisle ang “Araw Gabi.”

Kabilang sa entourage sina Maine Mendoza at Pasig Mayor Vico Sotto, habang secondary sponsor sina Marian Rivera at Connie Reyes.

Ilan pa sa mga namataang celebrities ay sina Lovely Abella, Valeen Montenegro, Camille Prats, Jennylyn Mercado at kasintahang si Dennis Trillo, Regine Velasquez, Dingdong Dantes, at pinsan ni Sheena na si Katrina Halili.

Kung maaalala, Agosto 2018 nang mag-propose ng kasal kay Halili si Manzanero sa loob ng isang moviehouse.