-- Advertisements --
Naging emosyonal ang actress na si Sharon Cuneta matapos na ito ay magtutungo sa ibang bansa na mag-isa.
Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan ng emosyonal na pamamaalam nito sa kaniyang asawang si Senator Francis Pangilinan at tatlong anak.
Sinabi na lamang nito na kailangan niyang makahinga at magsarili muna sa ibang bansa.
Hindi naman nito binanggit kung hanggang kailan ito mananatili sa ibang bansa at ang rason ng pagtungo nito sa ibang bansa.