-- Advertisements --

Niluwagan na ng gobyerno ng Shanghai sa China ang ipinatupad nilang COVID-19 restrictions matapos ang dalawang buwan lockdown.

Ang nasabing hakbang ay para payagang makagalaw ng libre at malaya ang nasa 25 milyong populasyon.

Mananatili naman sa pagamutan ang nasa 650,000 na mga residente habang sila ay nagpapagaling matapos magpositibo ang mga ito sa COVID-19.

Ayon naman kay Shanghai government spokeswoman Yin Xin na naging sulit ang ginawang sakripisyo ng mga mamamayan nila para tuluyang masugpo ang pagkalat ng virus.

Sa bagong batas na ipinapatupad ay kailangang magpakita ng green health code ang mga mamamayan sa kanilang smartphone bago sila makalabas sa kanilang mga tahanan.