-- Advertisements --
Plano ng Shanghai sa China na dahan-dahan nilang payagan ang mga negosyo na magbukas.
Ito ay matapos ang ilang linggong ipinatupad na lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ilan sa mga papayagang buksan ay ang mga shopping malls, supermarkets at department stores.
Magiging limitado lamang ang customers ng mga parlors at salons.
Sinabi ni Shanghai Vice Mayor Chen Tong na sa ganitong paraan ay makakabawi ang kanilang ekonomiiya.
Noong ipinatupad kasi ang lockdown ay limitado lamang ang mga residente na mamili sa pamamagitan ng online.
Magugunitang ipinatupad ang lockdown dahil sa muling paglobo ng COVID-19 sa nabanggit na lugar.