-- Advertisements --

Napatawad na umano ng sexy actress na si Ana Jalandoni ang dating kasintahan na si Kit Thompson dahil sa ginawa nitong pananakit noong mga nakaraang buwan.

Sinabi nito na sa simula ay mahirap subalit sa kalaunan ay nakakagaan aniya ng kalooban.

Ipagpapasa-Diyos na lamang aniya ang ginawa ng dating nobyo.

Mas pinili niyang mag-move on na lamang kaysa magtago ng galit.

Masaya na ito ngayon dahil sa nakita niya ang buong suporta na ipinapakita sa kaniya ng pamilya.

Paliwanag pa nito na kahit napatawag na ang dating nobyo ay tuloy pa rin ang kaniyang kaso.