-- Advertisements --
Pinaniniwalaan ng mga otoridad ng Cherokee County na posibleng sexual addiction ang isa sa mga motibo sa ginawang pamamaril ng suspek na si Robert Aaron Long sa tatlong massage spa na ikinasawi ng walong biktima.
Sinabi ni Sheriff Frank Reynolds ng Cherokee County, ang suspek na si Long ay may mga issues sa buhay na kinabibilangan ng sexual addiction.
Base sa report, pinalayas umano ang suspek sa kanilang bahay ng kaniyang pamilya dahil sa sexual addiction kung saan lagi itong nakababad online sa panonood ng pornography.
Napag-alaman na anim sa walong mga biktima ay nakilala na ng mga otoridad na pawang mga Asian women.










