-- Advertisements --

Lumabong makapasa ang Senate Bill 9045 o Act Strengthening the Anti-Money Laundering Law, matapos umalma ang mga senador sa naging aksyon ng Malacanang hinggil sa naturang panukala.

Ayon Sen. Grace Poe, chairperson ng Senate committee on banks financial institutions and currencies, hindi niya inaasahang maglalatag ng mga kondisyon ang Malacanang para ipasa lamang ang nasabing panukala.

Para naman kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng certification na may mga kondisyon mula sa panig ng ehekutibo.

Hindi naman binanggit ng mga mambabatas ang detalye ng nasabing kondisyon.

Sa panig ni Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, nag-aatubili siyang sumuporta sa mga ganitong batas, dahil hindi pa rin naman napapanagot ang mga tiwali.

Maging si Senate President Tito Sotto ay hindi rin pinalagpas ang naging mga kondisyon ng Malacanang para sa pagpasa ng bill na magpapalakas sa Anti-Money Laundering Law.

Aniya, dati nang idinudulog sa kanila ng administrasyon ang mga nais nilang batas, pero ang paglalagay ng mga kondisyon ay tila salungat na sa separation of powers.