-- Advertisements --

Planong kausapin ni American Tennis star Serena Williams ang mga organizers ng French Open tungkol sa ipinapatupad nilang safety protocols.

Kasunod ito sa naging anunsiyo ng French Openn tournament director na ang mga lalahok na manlalaro sa torneo ay ilalagay sa dalawang napiling hotel para mabawasan na sila ay mahawaan ng coronavirus.

Ayon sa 23-time Grand Slam champion na hihilingin nito kung maaari ay doon na siya mamalagi sa kanilang apartment.

Magiging walang kuwenta rin ang nasabing paglalagay ng mga manlalaro sa isang hotel kung bubuksan naman ang torneo sa mga publiko.

Magugunitang nagdesisyon ang organizer ng French Open na payagan ang mga audience na manood sa mga laro.