Tiniyak ng National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict na magpapatuloy ito sa layuning i-develop pa ang mga malalayo at liblib na lugar na apektado ng insurhensya sa bansa.
Ito ang binigyang-diin ni NTF-ELCAC Co-Vice Chairman at Secretary Eduardo Ano sa ginanap na exploratory talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at National Democratic Front sa Oslo, Norway.
Sa isang pahayag ay ipinangako ng opisyal na magpapatuloy ang kanilang pgpapaabot ng basic services, at livelihood opportunities, maging ang pagkukumpleto sa mga infrastructure development projects sa mga isolated areas sa bansa partikular na sa mga komunidad na apektado ng insurhensya.
Kasabay nito ay binigyang-diin din ni Ano na hindi kabilang sa exploratory talks na napagkasunduan ng dalawang panig ang anumang preconditions na may kaugnayan sa ceasefire, at pagpapalaya ng political detainees, at pagtatanggal sa terrorist designations.
Aniya, magpapatuloy ang gobyerno sa pagtatanggol sa taumbayan mula sa anumang uri ng banta ng mga komunistang teroristang grupo sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.