CENTRAL MINDANAO- Namahagi ng Personal Protective Equipments (PPEs) sa mga Rural Health Units (RHU) sa tatlong bayan sa unang distrto ng Cotabato si Board Member Shirlyn Macasarte-Villanueva katuwang ang PPALMA Citizens Against Crime and Violence (PCACV).
Personal na ipinamahagi ni BM Macasarte kasama ang ilang mga miyembro ng PCACV ang nasa 10 PPEs sa bawat sa mga bayan ng Pigcawayan, Libungan at Midsayap.
Ayon kay BM Macasarte, layon ng pamamahagi ng PPEs na mas mapangalagaan ng mga frontliners rito ang kanilang kalusugan at upang makaiwas sa COVID-19 kung saan ilan sa mga ito ay naka-face mask lamang.
Ani BM Macasarte, kailangang kompleto ang mga ito sa kanilang mga kagamitan lalo pa at publicly-exposed ang mga ito na mayroong mataas na tiyansang mahawaan ng sakit.
Samantala, kinumpirma naman ni BM Macasarte na magpapatuloy ito sa pamamahagi ng PPEs sa bayan ng Aleosan sa mga susunod na araw.