Tiniyak ng Department of Health (DOH) na prayoridad sa expanded testing sa COVID-19 ang mga senior citizens.
Pero nilinaw ni DOH Usec. Gerardo Bayugo sa virtual hearing ng Committee on Metro Manila Development na tanging ang mga senior citizens lamang na nakakaranas ng sintomas ng COVID-19 ang kaya nilang ma-accomodate sa ngayon.
Bagamat expanded na ang COVID-19 testing sa kasalukuyan, nananatili pa ring targeted o pili lamang ang maaring sumailalim dito, ayon kay Bayugo.
Base sa DOH Department Memorandum 2020-0151 na inilabas noong Abril, kabilang ang mga nakatatanda sa mga maituturing vulnerable na maaring sumailalim sa COVID-19 tests.
Bukod sa mga senior, prayoridad din sa COVID-19 test ang mga pasyente o healthcare workers na may severe at mild symptoms o travel history o exposure sa nagpositibo sa nakakamatay na sakit.