NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang 70-anyos na lalaki sa Sitio Ogtoc Barangay Buenasuerte, Ragay, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Salvador Burce, residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na habang nakikipag-inuman ang biktima sa bahay ng kaniyang kabarkada, lumabas ang biktima para sana maligo sa dagat ngunit hindi na ito nakabalik.

Dahil dito, pinaghahanap na ito ng kaniyang mga kainuman ngunit natagpuan na lamang itong wala ng buhay sa pampang ng dagat.

Sinubukan pa ng mga ito na i-revive ang naturang biktima ngunit wala itong response.

Sa ngayon, isinailalim na sa post mortem examination ang naturang biktima para malaman ang dahilan ng kaniyang pagkamatay.