-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang lola matapos na mabundol sa Mulanay, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Salvacion Magpantay De Villa, 72-anyos, residente ng Barangay Sta Rosa sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang tumatawid ang biktima sa kalsada ng mabundol ito ng sasakyan na minamaneho ng suspek na kinilalang si Marlon Abayon Archoy, 38-anyos, residente naman ng Barangay Peñafrancia, Gumaca sa nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital ngunit idineklara ring Dead on Arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing suspek habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.

-- Advertisement --