Pinangunahan nina Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Benjamin Madrigal, Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde, at Commission on Elections Commissioner Sheriff Abbas, ang send-off ceremony sa mahigit 200,000 na pulis at sundalo na magbibigay seguridad sa nalalapit na halalan sa susunod na linggo.

Kaugnay nito, isang programa ang inihanda sa seremonyang ginanap sa Kampo Aguinaldo kung saan kasama rin ang mga kagamitan na gagamitin ng PNP at AFP.

Una nang sinabi ng PNP chief na nasa 160,000 police personnel ang kanilang idedeploy nationwide, habang nasa 98,000 ang sundalo

Ayon naman kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, ang 98,000 sundalo na idedeploy ng AFP ay magsisilbi itong dagdag puwersa sa PNP.

Hinimok naman ni Albayalde ang lahat na magtulungan upang matiyak na maging matagumpay ang halalan sa harap ng iba’t ibang hamon.

Para naman sa AFP chief, muli nitong iginiit na mananatiling patas at walang kinikilingan ang security forces.