Nakapagbalangkas na ng petisyon ang ilang senador para kuwestyunin sa Korte Suprema ang constitutionality ng naging pagkansela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Visiting Forces Agreement (VFA), kahit walang pag-sang ayon mula sa Senado.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, sa susunod na linggo nila ihahain ang petisyon sa kataas-taasang hukuman.

-- Advertisement --

Hindi alintana ni Sotto ang tila pagiging kontra ng mataas na kapulungan ng Kongreso sa Duterte administration sa isyung ito, dahil ang mas mahalaga umano ay ang kapakanan ng mga Filipino, pati na ang legalidad ng proseso.

Samantala, hindi naman naiwasan ng retiradong heneral at PNP chief na si Sen. Panfilo Lacson na mag-alala sa pagiging lantad ngayon ng Pilipinas sa mga banta sa seguridad.

Maliban dito, isipin din umano ang presensya ng Chinese forces sa West Philippine Sea.

“We will survive, no doubt, but in the meantime, we remain exposed to terrorist threats, both domestic and foreign, not to mention the continuing security threat in the West Philippine Sea posed by China,” wika ni Lacson.