-- Advertisements --

Hiniling ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa Air Traffic Management System Facility ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na dapat sila ay maglagay ng dagdag na mga security measures gaya ng close circuit television o CCTV sa mga sensitibong lugar.

Ito ay para matiyak na nababantayan ang mga lahat ng mga pasilidad sa lugar.

Inirekomenda rin ni Zubiri na maglagay ng mga firewall para hindi ito basta mapasok ng mga hackers.

Sa nasabing hakbang aniya ay hindi na mauulit ang nangyaring aberya pa noong Enero 1 kung saan maraming mga flights ang naantala.