-- Advertisements --
robin padilla binoe duterte oath

Pinili ni Senator-elect Robin Padilla na manumpa sa harap ni outgoing President Rodrigo Duterte sa Malacanang.

Kasama ng actor ang kanyang misis na si Mariel Padilla at kanilang mga anak na sina Isabella at Gabriela at ilan pang malalapit na kaanak na isinama rin sa Palasyo.

Ang mga larawan ng okasyon ay ibinahagi ni Mariel kung saan ipinagmalaki nito na “proud na proud” siya sa kanyang mister na tiyak unang magiging isang magaling na mambabatas.

Ayon pa kay Mariel, inaasahan umano nila na maraming mga kababayan ang nakatuon ang mata kay Binoe sa pag-upo nito sa Senado, pero anuman daw ang pagsubok ay nakasuporta sila at malalampasan ito.

Narito ang mensahe ni Mariel sa kanyang social media account:

“We are sooo sooo sooo proud of you @robinhoodpadilla I KNOW you will be an amazing and effective Senator. All eyes on you… but that’s okay we like challenges. 👍🏼when you were taking your oath, i told myself Robin was born to be GREAT. Meron talagang mga tao na destined to excel… si Robin ganun. You got this babe! We are behind you, beside you and with you all the way. God speed! Allah hu Akbar!”

Kung maalala sa nakalipas na halalan ay nag-No.1 si Padilla matapos na makatipon ng 26,612,434 votes kung saan tumakbo siya sa ilalim ng partido ng Pangulong Duterte na PDP-Laban.

Nakatakda namang hawakan ni Padilla bilang chairman ang Senate committee on constitutional amendments and revision of codes.