Pinuna ni Senator Cynthia Villar si Bureau of Animal Industry (BAI) Director Paul Limson matapos nitong ibunyag na walang direktang kontrol ang bureau sa dami at frequency ng importasyon ng livestock products sa bansa.
Sa pagdinig sa Senado ngayong araw, iprenisenta ng Senadora ang datos ngayong 2022 na nagpapakita na ang demand ng karneng baboy sa bansa na nasa 1,733,385 kilo habang ang suplay naman ay tinatayang nasa 1,605,733.33.
Subalit sa kabila ng kakaunting agwat lamang sa pagitan ng suplay at demand sa bansa, sa hawak na data ng Senadora lumalabas na nag-angkat pa rin ang bansa ng tinatayang 724,532.727 kilo ng baboy.
Ibinunyag naman ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Representative Nicanor Briones na dumalo din sa pagdinig na noong katapusan ng taong 2022 nasa 110 million kilos ang nasa cold storage na nangangahulugan aniya na sobra ang inangkat na karneng baboy.
AV Narito ang sagutan nina Senator Cynthia Villar at Bureau of Animal industry Director Paul Limson
Samantala, binigyang diin naman ng Senadora na dapat magtalaga ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) na may malasakit sa interes ng mga lokal na magsasaka dahil ang lokal na agrikultura ay dedepende sa kanilang polisiya.