Suportado raw ng Bureau of Corrections (BuCor) ang inihaing Senate Resolution ni Senator Ramon Revillla para imbestigahan ang pagkakasangkot ng isang inmate ng New Bilibid Prison (NBP) sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.
Sa inilabas na statement ng BuCor, welcome daw sa kanilang ang naturang development at makikipagtulungan sila para ma-validate ang mga alegasyon na kinasasangkutan ng pambansang piitan.
Kung maalala, matapos sumuko sa mga otoridad ay ibinunyag ng gunman na si Joel Estorial na mayroong inmate ng NBP ang nag-utos sa kanya para patayin ang komentarista.
Tiniyak naman ng BuCor na ang kanilang ipinatutupad na polisiya sa pambansang piitan ay layong mapigilan ang mga convicted persons deprived of liberty (PDLs) na makagawa ng ano mang krimeng maglalagay sa panganib sa ating lipunan.
Una na ring sinabi ng BuCor na mali ang pakikipag-ugnayan ng bilanggo sa kanyang mga kasabwa sa labas para isagawa ang ganitong uri ng krimen.
Siniguro ng BuCor na hindi nila kukunsintihin ang ganitong gawain ng mga inmate.
Hindi rin daw bago sa BuCor ang ganitong klase ng mga statement o alegasyon na kapag mayroong nangyari na criminal incident sa labas ay ituturo ang isang inmate ng Bilibid na sangkot sa krimen.
Ipinagutos na rin ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang pagsasagawa ngin-depth investigation sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga ito sa Philippine National Police para alamin ang katotohanan sa mga alegasyon ng suspek sa krimen.
Muli, binigyang diin ng BuCor na kaisa ang mga ito sa ating bansa para sa layuning magkaroon ng mas ligtas na lipunan.